<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d27163662\x26blogName\x3dHannArIneSanchez\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://pinaayfreshies.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://pinaayfreshies.blogspot.com/\x26vt\x3d-3779411679505657132', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Ang tunay na kaibigan


Ang Tunay Na Kaibigan
ni: Arisse de Santos at Ines Pagdanganan

Pag wala ka nang malapitan,
Pag mundo ay tila gumuguho na,
Sa dami ng problema...

Huwag kang matakot o kaya'y mahiya,
Andito ako, lagi mong kasama.
Handa akong makinig sa yong mga kwento,
At gagawin kong makatulong, kahit papaano.

Alam ko na paminsan ikaw ay aking nasaktan,
Subalit, nandito parin ako para sa'yo, kaibigan.
Kung naiisip mo na parang wala nang totoo,
Ako'y nandito, bilang karamay mo.

Magkasama tayo sa hirap at ginhawa,
Maski man umiyak, magalit o tumawa.
Mahal na mahal kita, kaibigan
At yun ay lagi mong maaasahan.


pinaay freshies.♥

tuliro ni hannah ferrer


Tuliro
ni: Hannah Ferrer

Tuwing nakikita kita,
Ako'y walang magawa.
Natutuliro sa iyong ngiti,
Habang tayo ay magkatabi.

Lahat ay gagawin ko para sa iyo,
Kahit i-alay pa ang buhay ko.
Mamahalin at aalagaan kita,
Mapakita lamang sa'yo ang aking nadarama,

Huwag mo sana ako iiwan,
Dahil mamahalin kita magpakailanman.
Wala na akong hahanapin pang iba,
Ikaw lamang ang mamahalin, sinta.

Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya,
Dahil ngayon ay kapiling na kita,
Naging makulay ang buhay ko,
dahil sa pag-ibig mo.


pinaay freshies.♥

valediction sa hillcrest ni rolando s. tinio


Valediction Sa HillCrest
ni Rolando S. Tinio

 Pagkacollect ng Railway Express sa aking things
(Diretso na iyon sa barko while I take the plane),
inakyat kong muli ang N-311 at dahil dead of winter,
nakatopcoat at galoshes akong
nagturn right sa N wing ng mahabang dilim
(tunnel yatang aabot hanggang Tundo).
Kinapa ko ang switch sa hall.
Sa isang pitik, nagshrink ang imaginary tunnel,
na parang ataol.

Or catacomb,
Strangely absolute ang impression
Ng hilera ng mga pintong nagpuprusisyon --
individual identification, parang mummy cases,
de-nameplate, de-numero, de-hometown address.
antiseptic ang atmosphere, streamlined yet.
Kung hindi catacomb, at least filing cabinet.

Filing, hindi naman deaths, ha.
Remembrances, yeah. Iyong medyo malagkit.
Dahil, alam mo na, I'm quitting the place
After two and a half years.
After two and a half years,
di man nagkatiyempong mag-ugat, (ika nga),
siyempre'y naging attached, parang morning gloring
mahirap nang mapaknit sa alambreng trellis.

At pagkabukas ko sa cuarto
hubo't hubad na ang mattresses,
wala nang cushion sa easy chair,
mga drawers ng bureau'y nakanganga,
(sabay-sabay mag-ooration,
nagkahiyaan, nabara).

Of course, tuloy ang radiator sa paggaralgal:
Nasa New York na si Bob and the two Allans,
Iyong mga quarterbacks across the hall,
Pihadong panay ang display sa Des Moines.
Don and Constance aren't coming back at all.
Gusto ko mang magpaalam -
                                                      to whom?

the drapes? the washbowl? sa double-decker
Na pinaikot-ikot namin ni Kandaswamy
To create  space, hopelesss, talagang impossible.
Of course, tuloy ang radiator sa paglagutok.
(And the stone silence, nakakaiyak kung sumagot.)

Bueno, let's get it over with.
It's a long walk to the depot.
Tama na ang sophistication - sophistication.

Sa steep incline, pababa sa highway
where all things level, sabi nga,
there's a flurry, ang gentle-gentle.
Pagwhoosh-whoosh ng paa ko,
the snow melts right under.

Nagtutubig parang asukal,
humuhulas, nagsesentimental.


pinaay freshies.♥

Maging Sino Ka Man ni Reynaldo A. Julian


Maging Sino Ka Man
ni: Reynaldo A. Julian

Dito sa daigdig ... maraming milagro,
Mahirap matarok ... kahit pantas kayo,
May babaing pangit ... asawa ay gwapo,
May marunong naman ... kabiyak ay bobo.

Mayroon ding Negro ... asawa'y maputi,
Mayroong matangkad ... bansot ang pinili
Matabang dabiana ... esposo'y butiki
Ang nobyo ni Tisay ... ang lolo kong bungi.

Maski kabataan ... mayroon ding ganyan,
Maestra ang girlfriend ... ni Kikong istambay,
Mga estudyante ... hadlangan ang sinta,
Sibat, kanyon, tangke ... hindi rin uubra.

Aral ni Balagtas ... sa atin iniwan,
O pagsintang labis ... na makapangyarihan,
'Pag ikaw pumasok ... sa puso ninuman,
Hahamaking lahat ... masunod ka lamang.

Sa sentro ng puso ... ng lahat ng tao
Inilagay ng Diyos ... ang pag-ibig dito,
H'wag ka nang magtaka ... kung ang pagtanggap mo,
Lampas na sa kulay ... hitsura o anyo.

Ganyan ang pag-ibig ... na kaloob ng Diyos,
Hindi nagtatangi ... wagas, tapat, lubos,
Maging sino ka man ... unawa ma'y kapos,
Ikaw ay nilalang ... na kalugud-lugod.


pinaay freshies.♥

Ang Liham


Meron isang babae, mga labing-anim na taong gulang siguro. Palagi siyang nakangiti at napakalambing niya sa kanyang mga minamahal sa buhay. Isang araw, meron siyang nakilala isang lalaki na kasing edad niya. Di nagtagal, sila ay naging matalik na magkakaibigan. Makalipas ang ilang taon ng magiging magkalapit na kaibigan, napagtanto ng lalaki na ang kanyang nararamdaman tungo sa babae, di na lang bilang isang kaibigan, kung di, higit na dito. Ilang buwan, tinago ng lalaki ang kanyang tunay na nararamdaman sa babae. Ngunit di niya lang alam -- matagal narin tinatago ng babae ang tunay na nararamdaman niya sa lalaki.

Bagamat parehas ang nararamdaman nila sa isa't isa, di parin nila inaamin ang kanilang tinatagong pagmamahal. Sila ay natatakot sa baka maging reaksyon ng isa kung sinabi nga nila ang tunay na nadarama.

Nagulat na lang ang babae nang dumating ang isang araw, nakita niya ang isang sobre sa kanyang lamesa. Binuksan niya ang sobre at laman sa loob ay isang mahabang liham at isang kwintas. Ang lalaki ay ang nagsulat nito. Linabas ng lalaki lahat ng kanyang tuany na nararamdaman niya para sa babae. Sinabi niya kung gaano niya kamahal ang babae. Sa dulo ng liham, ito ang nakasulat --

"Nais ko sanang sabihin ito sayo ng maaga, ngunit, masyadont masakit siya para sa akin na sabihin ng harap-harapan. Aalis ako ngayong araw na ito patungong Europa. Manantili ako doon ng tatlong taon para sa isang scholarship. Pangako ko sayo, sa aking pagbalik, isusuot ko ang kwintas na ito sayo para pakita sayo, na mahal parin kita, kahit ilang taon man ang lumipas."


Naiyak na lamang ang babae at di niya maintindihan ang tunay niyang nararamdaman. Sakit sa pagalis ng lalaki, o saya, dahil sa pagmamahal na inamin sa kanya.

Tatlong taon nang sakit at hinanakit ang tiniis ng babae para sa pagbalik ng lalaki. Kahit man matagal siyang naghintay, minahal niya ang lalaki ng tunay .

Dumating na ang araw na nakatakdang babalik na ang kanyang minamahal. Siya ay nagayos at naghanda. Hawak-hawak niya ang liham at kwintas, tahimik na nagaantay.

Di mapigilan ng babae na ngumiti nung may narinig siyang kumatok sa pintuan. Nagayos siya ng kanyang buhok ng sandali at naglakad na patungong pinto. Handang-handa na siya yakapin at salubungin ang lalaki. Ngunit... ang nakita niya ay ang kapatid ng kanyang mahal. Namumula mata at nakatingin lamang sa babae.

"Si kuya, isa sa mga biktima ng pagbagsak ng eroplano. Nakarating ang mga ambulansya, ngunit di na siya umabot pa sa ospital. Wala na siya. Wala na ang kuya ko."

"HINDI, HINDI MAARI!" sagot na lamang ng babae at lalong lumakas ang kanyang pag-iyak at hinigpitan niya ang hawak ng kwintas sa kanyang kamay.

Tatlong taon ng paghihintay, puno ng sakit at pag-aasa--nawala. Tatlong taon ng paghihintay, at siya ay bumalik na lamang sa simula.


Inakda ni: Ines Pagdanganan


pinaay freshies.♥

Babalik Ka Rin ni Michael Balba


Hindi kami ang may akda nito ngunit, nung nakita namin ito, ay nagustuhan namin ito at nais namin na ibahagi sa inyong mga nagbababasa. Itong tulang ito ay para sa aming kaklase na si Camille Navata na umalis para pumunta sa Estados Unidos nung ilang buwan pa noon. Ang aming klase, na I-San Pedro ay minamahal siya ng sobra sobra at gusto sana namin na siya ay bumalik na dito sa Pilipinas. Camille, kung nababasa mo ito, MAHAL KA NG SAN PEDRO :>

Babalik Ka Rin
ni: Michael Balba

“Saan ka man naroroon ngayon
Saudi, Japan o Hongkong,
Babalik ka rin,Babalik ka rin,
Babalik ka rin.”

Kaysarap pakinggan ng awiting ito,
Awitin na handog sa OFW,
Gano man kalayo, bansang narating mo,
Di malilimutang ika’y Filipino.
Babalik ka rin sa bayan mong mahal,
Sa bayan mong liyag na ‘yong sinilangan,
Saan man naroon di malilimutan,
Na ika’y bumalik sa mahal na bayan.
Babalik ka rin sa bayan mong sinta,
Pagkat naroroon tunay mong ligaya,
Babalik ka rin sa ‘yong pamilya,
Pagkat ang ‘yong yaman, sila lang talaga.
Babalik ka rin, babalik ka rin,
Iyan sa tuwina ang laging isipin.
Ikaw ma’y nawalay sa bayan mong giliw,
Sa tamang panahon ika’y babalik din.


pinaay freshies.♥

Sa Isang Iglap



"Sa isang iglap, nakilala natin ang ibang tao. Naging parte sila ng buhay natin. Huwag naman sana sa isang iglap din ay mawala sila."


 Maytoong magkakaklase na nagngangalang Joaquin at Ana. Sila ay parang aso't pusa. Lagi nagaasaran, nagsasagutan at nagsasakitan. Himala na lamang kung sila'y nagkabati pa.

Isang araw, si Joaquin at ang kanyang barkada ay nakaistambay sa paaralan. Biglang dumaan si Ana. Sinabi ng kaibigan ni Joaquin sa kanya, "Pare, ibang klase ka. Lahat ng babae nahakot mo maliban diyan kay Ana. Mamamangha talaga ako sa iyo kapag napasaiyo siya." Sumabat so Joaquin, "Sige, ganito nalang, magpustahan tayo, kapag naging kami sa loob ng dalawa at kalahating linggo, babayaran mo ako ng P1000. Kapag hindi, sa'yo na ang pera. Kapag umabot kami ng isang taon, P3000 ang ibabayad mo saakin. Oh, ano, payag ka?" Pumayag ang kaibigan ni Joaquin sa kasunduan.

Habang dumadaan ang mga araw, sinuyo ni Joaquin ang babae. Sinabi niyang, "Patawarin mo ako sa aking mga pagkakamali noon. Kaya kita ginaganoon dahil may pagtingin ako sa iyo." Hindi kaagad naniwala si Ana. Naging mahirap na pagsubok ito para kay Joaquin ngunit hindi parin siya umurong sa pustahan. Ginawa niya ang lahat mapaibig lang si Ana at nang matapos ang dalawa at kalahating linggo, siya ay nagwagi. Nagustuhan din siya ng babae. Bilang kasunduan, binigyan ng pabuya si Joaquin ng kanyang kaibigan.

Naging matibay ang relasyon nila Joaquin at Ana kahit na sila ay hindi nagkakaintindihan paminsan. Unang nobyo ni Ana si Joaquin kung kaya't minahal niya talaga ang lalaki. "Mahal na mahal kita, Joaquin. Hindi mo lang alam kung gaano ka kahalaga sa akin." Ang banat naman ni Joaquin, "Huwag kang magalala, Ana. Mahal kita at hindi kita iiwan. Pangako. Mamahalin at aalagaan kita hanggang makakaya ko." Hindi alam ni Ana ang totoong pakay ni Joaquin. Hindi niya alam ang kasunduan.

Lumipas ang panahon at sa hindi inaasahan, umabot ang kanilang pagsasama sa isang taon. Nagtagumpay si Joaquin at siya ay binigyan ng pabuya. Iniwan niya si Ana. Hindi alam ni Joaquin ang sakit na nadarama ni Ana sa kanyang ginawa. Nagsisi ang babae na minahal niya nang lubusan ang isang lalaki na nagmahal sakanya at iniwan din sa isang iglap lamang.


Inakda ni: Hannah Ferrer


pinaay freshies.♥

MABUHAY, Salamat sa pagdalaw ninyo sa aming Website :>

Kami ay nagagalak sa inyong pagbisita sa aming "blog". Itong website na ito ay nagsisilbing proyekto namin para sa asignaturang Filipino. Ang aming guro ay si Bb. Vanessa Miranda at ang mga may gawa naman ng proyektong ito, ay sina Arisse de Santos [CN 14] Hannah Ferrer [CN17] Ines Pagdanganan [CN 30] at Regina Sanchez [CN 37]

Sa website namin, ay makikita niyo dalawang maikiling kwento at tatlong tula na likha namin. Iba pang matatanaw mo dito, ay ang mga tula na aming nagustuhan na linikha ng iba't ibang mga manunulat.

Inaasahan namin na kayo ay nasiyahan sa aming proyekto at kung sana, ay mag-iwan kayo ng mensahe sa aming tinatawag na tagboard, at ipahayag ninyo ang mga nararamdaman niyo o kung kaya mga nais ninyong sabihin sa amin. Salamat :>

Nagmamahal, 

Arisse, Hannah, Ines at Regina :P


pinaay freshies.♥

AA Freshiesss ;
http://pinAAyFRESHIES.blogspot.com

Mga estudyante kami mula sa Pangkat ng San Pedro ng Ika-Unang Taon ng Mataas na Paaralan ng Assumption Antipolo.
Itong blog na ito ay nagsisilbing proyekto namin para sa asignaturang Filipino.

Kami ay sina Arisse de Santos, Hannah Ferrer, Ines Pagdanganan at Regina Sanchez. Kami ay ang mga may akda ng website na ito.

Bebot, bebot, be, bebot, bebot, be, bebot, bebot, be, ikaw ang aking bebot bebot BEH! =)) =))

tagboard ;

Dito niyo pwede isulat
ang mga nais niyong sabihin. (:

Kung maari sana, ay isulat ninyo ang inyong mga mensahe sa wikang Filipino, dahil nga naman ito ay aming proyekto para sa Pinoy. SALAMAT :P



exits ;

Maari niyo rin ito puntahan. (:

Bb. Miranda
Arisse De Santos
Hannah Ferrer - jologs dahil walang site.:P Jokes onlys. :)>- HAHA!
Ines Pagdanganan
Regina Sanchez

thanks to ;
designer | kathleen
image | 00Velvet00Dreams00


so yesterdays ;
Oct 3, 2007
Oct 15, 2007